Kasamang inaalala ng ilang pet owners tuwing Undas ang yumao nilang fur babies. Masakit ang magpaalam sa isang alaga na itinuring nang bahagi ng pamilya at makikita ang kanilang paghina dahil sa mga karamdaman o katandaan. Pero kakayanin mo bang magpasya tungkol sa kanilang buhay sa pamamagitan ng euthanasia o mercy killing?
Alamin ang ilang kuwento ng fur parents na pabor o tumanggi sa euthanasia para sa kani-kanilang alaga. Alamin din ang ilang paraan para magkaroon ng magandang alaala ang mga yumaong mahal na alaga.
Ang sakit ng pagpapaalam
Hindi malilimutan ni โAldrinโ ang aso niyang Japanese Spitz na si โDeedee,โ na 16 na taon na naging bahagi ng kanilang pamilya.
Inilarawan ni Aldrin si Deedee na isang mabait, matalino, at hindi masyadong maingay na aso. Nakokontrol daw kasi ni Deedee ang emosyon nito.
โโYung ibang aso namin, uncontrollable 'yung kanilang ingay kapag may tao sa garahe or gate or something. Hanggang sa โyung sobrang pagod ng kakatahol nila, sumasalampak, tapos hingal na hingal. Si Deedee, tatahol, tapos nakatingin sa bintana. Ang tahol niya hindi nakaharap sa tao pero nakaharap sa bahay. 'Yung talagang nagtatawag siya [ng pansin na may tao],โ kuwento ni Aldrin.
โTapos controlled. Tatahol, naghihintay siya. โPag walang reaction tatahol ulit, maghihintay siya. Ganon 'yung traits niya,โ dagdag niya.
Bukod dito, naglalambing din umano si Deedee na itinutulak at pinapaingay ang kaniyang dog dish kapag bitin sa pagkain.
Dahil kay Deedee, natuto raw si Aldrin na maging pasensiyoso at mapag-unawa.
โMabait siya. Ako kasi medyo minsan nagagalit, nangkokontrol or what. Pero siya, 'yung nakita ko sa kaniya, for a Japanese Spitz, sabi kasi ng vet namin, masungit ang Japanese Spitz, pero siya mabait. Hindi siya nangangagat sa vet.
Continue Reading on GMA News
This preview shows approximately 15% of the article. Read the full story on the publisher's website to support quality journalism.